^

Dr. Love

Huwag makonsensya

MAINGAT KA BA!? - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang pagbati para sa inyo, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Rochelle, 22 anyos at tapos ng computer science.

Last year lamang po ako ikinasal at mahal ko naman ang napangasawa ko. Mayroon akong dating boyfriend na bigla na lamang naglaho for two years. Hindi kami nagkaroon ng formal break-up. Bigla na lamang akong binalikan, isang araw at ito ay nakita ng mister ko.

Galit na galit siya at pati ang asawa ko ay inaway niya. Maunawain naman ang mister ko dahil alam niya ang situwasyon dahil nauna ko nang naikuwento sa kanya.

Umalis ang ex ko na umiiyak pa. Naawa pa nga ang mister ko pero ‘di po ba ganyan talaga ang buhay. Kasalanan din niya dahil walang pa­liwanag kung bakit nag-disappear na lang siyang bigla.

Minahal ko rin ang lalaking ito pero may asawa ako na mahal ko rin. May katuwiran ba siyang magalit?

Rochelle

Dear Rochelle

Kahit makatuwiran ang dahilan niya sa pagkawala nang dalawang taon nang walang abiso, wala siyang karapatang magreklamo. Boyfriend mo lang siya at hindi kayo kasal. Kaya hindi ka dapat magkaroon ng guilty conscience. Huwag mo na siyang isipin at intindihin.

Dr. Love

KONSENSYA

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with