^

Dr. Love

Umiibig sa walang gusto sa kanya

Louise Maureen Simeon - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang dahilan ng pagliham ko ay upang  hingin ang iyong payo sa mabigat kong problema sa pag-ibig. Tawagin mo na lang akong Isay, 20 anyos at umiibig sa lalaking hindi pumapansin sa akin.

Bata siya nang dalawang taon sa akin at kapitbahay namin.  Naging kalaro ko rin siya ng kami ay mga musmos pa pero nagkagusto ako sa kanya nang kami’y parehong malaki na. Dati ay close kami at “ate” ang tawag niya sa akin, pero nang maramdaman niyang may gusto ako sa kanya ay nagsimula na siyang dumistansya.

Maganda naman ako, Dr. Love. Marami ang nagkakandarapa na manligaw sa akin. Ano ang dapat kong gawin para magustuhan niya ako?

Isay

Dear Isay,

Una sa lahat, maling-mali ang ginawa mong pagpapakita ng motibo. Hindi iyan gawain ng isang babaeng may pitagan sa sarili. Ang babae ay nililigawan at hindi nanliligaw.

Pangalawa, hindi mo dapat ipagsiksikan ang sarili sa isang taong walang gusto sa iyo. Ang gumagawa nang ganyan ay nagmumukhang mumurahin at hindi iginagalang ng kalalakihan. Buti na lang hindi mapagsamantala ang lalaking gusto mo dahil kung magkagayon ay nakuha na niya ang pagkababae mo tapos iiwan ka. Eh ‘di mas malaking pagdurusa ang daranasin mo.

Pangatlo, kalimutan mo na ang iyong pagkahibang. Marami palang nanliligaw sa iyo, sa kanila ka pumili ng gugustuhin. Kung wala kang magustuhan ni isa, maghintay ka. Hindi ka pa matanda sa edad na 20.

Dr. Love

NECTAR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with