^

Dr. Love

Nawalan sa labis na paghahangad

Rey Gamboa - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po ang paborito kong tagapayo?

Gaya po ng marami ninyong tagasubaybay, gusto kong ihingi ng payo ang tungkol sa problema ko sa aking hipag.

Panganay si Manang Adela at bunso naman ang mister kong si Adolfo. Dahil balo na, sa kanya nakitira ang asawa ko noong binata pa at ang kinikita nito bilang seaman ay sa kanya rin bumabagsak.

Nang magpakasal kami ni Adolfo, sa akin na niya pinadadala ang sweldo niya at hindi sang-ayon dito ang kanyang ate. Palibhasa’y nasanay nang nakasandal ang pangangailangan nila ng kanyang pamilya sa kita ng mister ko.

Dahil sa pagbabagong ito ay kung anu-anong kasinungalingan ang ipinagkakalat ni Manang sa iba pa niyang mga kapatid tungkol sa akin. Minsan pang pinadalhan niya ng litrato ang asawa ko habang nasa barko, na katibayan daw na napupunta sa ibang lalaki ang kanyang pera.

Alam ko namang hindi maniniwala si Adolfo dahil kilala niya na pinsan ko ang lalaking kasama kong kumakain sa isang fastfood. Nagkita kami sa isang mall at dahil matagal nang hindi nakakapagkamustahan ay nag-aya siyang kumain.

Pinagalitan ng asawa ko ang kapatid niya at pinagsabihan akong huwag nang magbigay ng kahit isang kusing dito, dahil sa panggugulong ginagawa niya sa aming pamilya.

Lalong nawalan si Manang. Wala rin naman siyang maaasahan sa mga anak na nakatapos dahil nagsipag-asawa na ang mga ito.

Minsan tinangka niyang magpahiwatig ng paghingi ng tawad. Pero nagmatigas pa rin ako para matutunan niya ang leksiyon. Sa palagay n’yo po ba may karapatan si Manang na obligahin kami na magbigay ng sustento sa kanya? Hihintayin ko po ang inyong payo.

Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa sulat ko.

Gumagalang,

Rebecca

Dear Rebecca,

Ang pagtulong ay mabuting gawi, lalo pa kung para naman sa isang kapamilya. Pero hindi ibig sabihin nito ay isasaisantabi ang pangangailangan ng sariling pamilya para makapagbigay.

Bilang tiyuhin at tiyahin ng mga anak ni Manang, subukan ninyo silang kausapin at ipaunawa na hindi nila dapat pabayaan ang kanilang ina. Patawarin mo na rin ang hipag mo sa kanyang mga naging pagkakamali. Tutal naman nagsisisi na siya.

DR. LOVE

QUEZON

GUMACA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with