^

Dr. Love

Silahis ang asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bumabati muna ako sa inyo ng isang maganda at mapagpalang  araw, Dr. Love.

Tawagin n’yo na lamang akong Cherry, 32 anyos at limang taon na kaming nagsasama ng aking asawa, na ang buong akala ko ay tunay na lalaki.

Kailan ko lang nalaman na may karelasyon siya na kapwa niya lalaki. Noong una ay ayaw kong maniwala sa tsismis hanggang sa aksidenteng maiwanan niya ang kanyang cell phone ay nag-text sa kanya ang lalaking karelasyon niya.

Mabuti pa sana kung ibang babae ang karelasyon, pero hindi. Hindi ko kayang tanggapin na ang mister ko ay isang silahis.

Three years old pa lang ang aming anak at ayaw ko’ng malaman niya balang araw ang katotohanan tungkol sa kanyang ama.

Nang tanungin ko siya, sinabi niya na nagkamali lang ng sent sa kanya ang nagpadala ng text.

Pero naroon ang kanyang pangalan at kahit sabihin niyang kapangalan lang niya ito ay ayaw kong maniwala dahil may una nang mga balitang nakarating sa akin na isa siyang bakla.

Dapat ko ba siyang hiwalayan at ipa-annul ang kasal namin?

Cherry

 

Dear Cherry,

Hangga’t hindi mo talaga napapatunayan ang hinala mo ay magsiyasat ka muna. Baka naman talagang kapangalan  lang niya ang tinext ng sinasabi mong lover niya.

Naiintindihan ko ang damdamin mo pero isang bagay iyan na sensitibo na dapat munang mapatunayan.

Sakaling may katotohanan ang iyong hinala, puwedeng maging ground for annulment ang kanyang pagiging silahis na hindi niya ipinagtapat sa iyo nung una pa.

Dr. Love

ANG

BUMABATI

DAPAT

DEAR CHERRY

DR. LOVE

HANGGA

KAILAN

NAIINTINDIHAN

NANG

NIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with