Textmate
Dear Dr. Love,
Kamusta ka po, Dr. Love? Isa lang po akong trike driver at tawagin mo na lang na Ariel, 20 anyos.
May textmate po ako at limang buwan na kami. Tawagin na lang siyang Nida. Niligawan ko siya sa text at sinagot ako. Nang magpasya kaming magkita, talagang ninenerbyos ako. Siya ang unang babaeng sumagot ng oo sa akin.
Nagkita kami sa Jollibee at sinabi niya ang isusuot na tshirt na pula at maong pants. Nang makita ko siya ay halos himatayin ako. Hindi sa namimintas pero siya ay masyadong mataba at pandak.
Hindi ko na siya nilapitan at mabliis akong umalis. Isang buwan na nang mangyari ‘yun at hindi ko sinasagot ang mga text niya. Tama ba ang ginawa ko?
Ariel
Dear Ariel,
Mali ka. Unang una, dapat kinilala mo muna siyang mabuti bago ligawan. Sa ginawa mong iyan ay nakasugat ka ng puso.
Ang masasabi ko, huwag mo nang uulitin iyan.
Dr. Love
- Latest