^

Dr. Love

Paano iiwas sa tukso?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi po ako mapalagay sa aking taglay na problema kaya nagdesisyon na akong hingin ang iyong payo. Tawagin mo na lang akong Elmer at please, paki withhold ang aking buong pangalan kung puwede.

Ako po ay 29-anyos, may asawa at  dalawang anak. Anim na taon na kaming kasal ng misis ko at sa loob ng mga panahong iyan ay nagmahalan kami ng lubos.

Very faithful nga po ako sa kanya at madalas kantiyawan ng aking mga officemates dahil hindi ako sumasama sa kanilang gimik tuwing araw ng sahod.

Gusto ko po kasi ay umuwi agad ng bahay dahil ibig kong makapiling ang aking misis at dalawang anak.

Hanggang may dumating na bagong empleyada sa opisina. Napakaganda niya at ang una niyang nilapitan sa office ay ako. Parang gaan na gaan ang loob niya sa akin kaya naging best friend kami.

Hanggang naging tampulan na kami ng tukso pero lagi kong sinasabi na hindi ko puwedeng pagtaksilan ang aking asawa.

Pero nang tumagal ay parang nahuhulog na ako sa tukso dahil sa tingin ko, sa mga ipinakikita niya ay mahal din niya ako.

Patuloy akong nagtitimpi hanggang sa ngayon. Ano ang gagawin ko para hindi mahulog sa tukso?

Elmer

Dear Elmer,

Isipin mo lang palagi ang maligaya mong pamil­ya pati na ang asawa mo, na minahal mo nang labis sa nakalipas na maraming taon.

Pagdating ng bahay, tingnan mo ang iyong misis na animo’y nililigawan mo pa lang. Yakapin mo ang iyong mga inosenteng anak na malamang mawasak ang kinabukasan kung ngayon ka pa magtataksil.

Sa opisina naman, bagama’t matalik mong kaibigan ang babaeng lihim mong kinahuhumalingan ay medyo dumistansya na kayo sa isa’t isa.

Madali namang gawin iyan basta’t ang focus ninyong dalawa ay sa trabaho lang. Lagi mong yayaing kumain sa labas ang misis mo pagkatapos ng trabaho at sabihin mo sa friend mo kung gaano mo kamahal ang iyong pamilya.

Maganda rin kung ang friend mong ito ay ma­ging friend ng iyong misis. Ipakilala mo siya minsan.

Dr. Love

ACIRC

AKO

ANG

ANO

DEAR ELMER

DR. LOVE

HANGGANG

IPAKILALA

ISIPIN

LAGI

STRONG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with