^

Dr. Love

May bingot sa labi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Call me Lorenzo, 30-anyos na ako, binata at wala pang girlfriend. Takot akong manligaw dahil may bingot ako sa itaas na labi. Ang tawag dito ay cleft lip.

Mula sa pagkabata ay tampulan na ako ng tukso. Sinisisi ko ang aking mga magulang kahit yumao na sila. Dahil hindi nila ako pinaopera agad.  Pati salita ko ay medyo humal na nang nasa elementary pa ako ay laging pinagtatawanan. Tingin ko po ako ay born ugly at wala nang magkakagusto sa akin.

Minsan akong nagkagusto sa isang babae nang ako’y 20-anyos. Niligawan ko at tahasan niyang sinabi na hindi siya namimintas pero ayaw daw niyang magka-asawang may depektong gaya ko at baka pati magiging anak namin ay madamay.

Ano ang gagawin ko? Mananatili na lamang ba akong binata?

Lorenzo

Dear Lorenzo,

Nauunawaan ko ang damdamin mo pati na ang iyong agam-agam na manligaw. Ayaw mong mapahiya.

Pero hindi lang ikaw ang may ganyang kapansanan. Ang iba ay mas grabe pa. May mga unano na ang mga napangasawa ay normal at nagkaanak din ng normal.

May mga kilala rin akong may bingot sa labi na nakapag-asawa. Huwag mong sisihin ang parents mo kung hindi ka man napaopera. Pero kahit may edad ka na, puwede pa namang gawin iyan ngayon.

Dr. Love

AKO

ANG

ANO

AYAW

DAHIL

DEAR LORENZO

DR. LOVE

HUWAG

LORENZO

PERO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with