^

Dr. Love

Ayaw gumaling ng sugat

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Elmo, 48-anyos at may asawa. Dalawa lang ang aming anak na parehong nasa ibang bansa na at may sari-sariling pamilya.

Diretsahan kong sasabihin na mapait ang relasyon naming mag-asawa. Nagsasama kami sa iisang bubong pero magkahiwalay ng silid. Ang dahilan, nangalunya siya. Nagkaroon siya ng ibang karelasyon at nang matuklasan ko ay halos sumabog ang dibdib ko.

Wala na ang kabanatang iyon. Hiwalay na siya sa kanyang lalaki at nangakong  hindi na siya uulit magtaksil. Upang patunayan niya ito, hindi na siya umaalis ng bahay. Kung aalis man siya ay lagi niyang kasama ang nakababata kong kapatid.

Pinatawad ko na siya pero naroroon pa rin ang sugat sa puso ko na laging sariwa at masakit. Kahit limang taon na sapul nang maganap yaon ay hindi ko malimutan. Tulungan mo po ako.

Elmo

Dear Elmo,

Hindi mo pa siya talaga napapatawad. Ang pagpapatawad ay may kasamang paglimot sa nakaraan.

Lahat ng tao ay nagkakasala sa iba’t ibang paraan. Pero ang kasalanan ay kasalanan kahit ano pa ito.

Kung magpatawad ang Diyos, hindi na siya tumitingin sa nakaraan ng taong pinatawad niya. God doesn’t keep a record of wrong.

Kaya kung totoong nagpatawad ka, lumimot ka rin sa mga bagay na nakasugat sa iyong puso. Move on, Elmo.

Dr. Love

ANG

DALAWA

DEAR ELMO

DIRETSAHAN

DIYOS

DR. LOVE

ELMO

HIWALAY

KAHIT

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with