^

Dr. Love

Maghintay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang buhay sa iyo, Doc Love. Marahil ay hindi lang kaming mag-asawa ang may problemang ganito kaya po naglakas loob akong sumulat sa inyo, hindi lamang para sa amin kundi sa lahat ng mga couples na may katulad nitong problema.

Tawagin mo na lang akong Sammy, 40 anyos at ang asawa kong si Brenda ay 25-anyos.  Dalawang taon na kami pero ‘di pa pinapalad na magka-anak.

Nagpatingin na kami sa doktor pero wala namang may diprensya sa aming dalawa. May mga kakatwang suggestion ang ibang kaibigan lalo na ‘yung matatanda. Magsayaw daw kami sa Obando at mag-alay ng itlog kay Santa Clara.

Christians po kami at hindi kami naniniwala sa ganyang pamahiin.  Nagpa-pray over na kami ng ilang ulit sa aming pastor pero walang epekto.

Ano ang maipapayo ninyo sa amin?

Sammy

 

Dear Sammy,

Ang maipapayo ko ay maghintay. Laging batid ng Diyos ang tamang oras para ibigay ang lahat ng inaasam ng ating puso.

At walang imposible sa Kanya. Basta’t huwag kayong manlulupaypay sa pananampalataya at huwag tumigil sa panalangin.

Rejoice in the Lord and He will give you the desire of your heart.

Minsan, talagang sinusubukan ng Diyos ang tibay ng ating pananampalataya. Kasama ninyo ako sa panalangin na sana’y magka-beybi na kayo.

Dr. Love

vuukle comment

ANG

ANO

BRENDA

DALAWANG

DEAR SAMMY

DIYOS

DOC LOVE

DR. LOVE

LORD AND HE

SANTA CLARA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with