^

Dr. Love

Aral ka muna

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pakiusap ko lang Dr. Love, keep my identity secret. Basta tawagin mo na lang akong Lester. I am getting to be 18 years old at magtatapos ng  chemical engineering two years from now.

Dalawa ang girlfriend ko na pareho kong mahal. Pero mas matimbang sa puso ko ang isa. Pareho silang maganda pero may kani-kaniyang katangian. ‘Yung isa ay mahilig sa gimik at outgoing, samantalang ang isa ay conservative at tutok sa pag-aaral.

Aaminin ko na nagkaroon na kami ng sexual relations nung isang outgoing na siyota ko, samantala ‘yung isa ay hanggang kissing lang. Pero kahit wala pa kaming sexual relations nung isa, mahal na mahal niya ako pero kung iiwanan ko raw siya ay wala siyang magagawa.

‘Yung isa naman ay kapit-tuko sa akin at sinasabing kapag niloko ko siya ay papatayin ako.

Sino sa kanila ang tutuluyan ko?

Lester

Dear Lester,

May kapilyuhan ka at natural lamang na ‘yung isang naangkin mo na ay  magalit sa iyo kung hihiwalayan mo. ‘Yung isa naman, may “k” na sabihing wala siyang magagawa kung hihiwalayan mo dahil wala ka pa namang nakukuha sa kanya. Problema iyan kung paano mo siya hihiwalayan, kapag ‘yung isa ang pinili mo.

Pero ang masasabi ko ay mag-focus ka muna sa pag-aaral at medyo mahaba pa ang dalawang taon.  Kung ako ang papipiliin mo, mas gusto ko sa babae ang conservative na ayaw isuko ang pagkababae. Isang hiyas iyan na dapat pahalagahan.

Pero hindi ko sakop ang pag-iisip mo kaya hindi ako makakapagdesisyon kung sino ang pipiliin ko para sa iyo. Ikaw ang magdedesis­yon niyan.

Dr. Love

vuukle comment

AAMININ

ACIRC

ANG

DALAWA

DEAR LESTER

DR. LOVE

IKAW

ISA

PERO

STRONG

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with