Born loser
Dear Dr. Love,
Hello to you, Dr. Love. I hope my letter will reach you na ikaw ay nasa mabuting kalusugan. Please call me Dyna, 30-anyos. Wala pa rin akong asawa sa edad kong ito. Masasabi ko na isa ako sa mga “born loser” sa larangan ng pag-ibig.
Sa apat na naging boyfriends ko, lagi na lang kabiguan ang dulot. Mayroon akong lalaking nakilala at akala ko’y kami na nga. Hindi pala. At first ay napaka-sweet and caring niya. Walang patid, araw-araw ay sinusundo ako sa office at kumakain kami sa labas. Pero hindi natapos ang apat na buwan ay nagbago na siya. Nalaman ko na lang that he entered into a marriage for convenience sa isang US citizen dahil pangarap niyang mag-settle sa Amerika. Napakasakit.
Dahil sa kawing-kawing na kabiguan ay naging man-hater ako. But then, there would come moments na natatakot ako. Takot akong tumandang dalaga. May manliligaw ako ngayon pero I cannot make up my mind. Nahahati ang aking kalooban sa pagkasuklam sa mga lalaki at sa takot ko na tumandang dalaga.
Please advice me.
Dyna
Dear Dyna,
At thirty years old, patungo ka na sa pagiging matandang dalaga. Ang payo ko ay huwag kang mawalan ng tiwala sa lalaki. Napatapat ka lang marahil sa mga oportunista at manloloko pero may mga matitino rin naman.
Sa pagtanggap ng mga manliligaw, dapat maging mapagsuri ka. Alamin kung sino ang tapat. Huwag ibibigay ang sarili agad-agad para hindi nila isiping easy to get ka. You deserve to be happy Dyna. God will guide you.
Dr. Love
- Latest