^

Dr. Love

Binabawi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang karanasan­ ko ngayon. Tawagin mo na lang akong Elvie, 45 anyos.

Ako po ay may asawa at dalawang anak, na ang panganay ay isang ampon. Fifteen years ago kasi ay hindi kami magkaanak ng aking mister kahit limang taon na kaming nagsasama.

May kaibigan ako na nagkaroon ng relasyon sa lalaking iniwan siya. Ipinaampon niya sa amin ang kanyang anak na babae na masaya naming tinanggap. Walang kasulatan o papeles ang aming ginawang pag-ampon dahil best friend ko naman ang babaeng nagpa-ampon sa anak niya.

Nagpunta siya sa Japan at mula noon ay wala na kaming nabalitaan. Itinaguyod namin ang bata kahit mahirap lang kami. Nakatapos siya ng high school at kumukuha ng chemical engineering.

Nagulat ako nang isang araw, bumisita siya sa amin at mayaman na. Gusto niyang bawiin ang kanyang anak at inaalok ako ng isang milyong piso.

Ayaw namin itong tanggapin dahil itinuring na naming tunay na anak ang dalaga naming anak. Isa pa, ayaw din ng aming anak na mawala siya sa amin. Pero  sinabi ng kaibigan ko na magdedemanda siya. Ano ang aming gagawin?

Elvie

Dear Elvie,

Hindi ako abogado kaya ang mabuti’y kumuha ka ng abogado sa kaso mong iyan. Sa gulang na kinse anyos, may sarili nang pag-iisip ang inyong anak pero menor de edad pa rin kaya hindi ko alam ang aspetong legal ng problemang iyan.

Ngunit baka naman madaan iyan sa mahinahong usapan. Ang importante kasi ay kinikilala kayong magulang ng inyong adopted daughter at wala naman sigurong masama kung dalawa ang kikilalanin niyang magulang at puwede siyang magpalipat-lipat ng tahanan, depende sa inyong mapag-uusapan. Ibang kaso kung dadalhin siya sa Japan.

Tulad ng nasabi ko, kailangan mo ng legal counsel sa usaping iyan.

Dr. Love

ACIRC

ANAK

ANG

ANO

AYAW

DEAR ELVIE

DR. LOVE

ELVIE

IBANG

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with