^

Dr. Love

Ibig magbago

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

My sweetest greetings to my favorite love columnist. Tawagin mo na lang akong Badet,  19-anyos at aaminin kong hindi ako babae kundi babaeng nasa katawan ng isang lalaki. Iyan ang aking regrets.

Minsan tinatanong ko ang Diyos kung bakit hindi pa ako nilubos-lubos na gawing babae o lalaki. Kaya nga I am suffering from mixed emotions.

Ginawa niya akong lalaki sa katawan, sana pati sa feelings ay lalaki rin pero hindi. The fact is ayaw ko ang katayuan kong ito. Hindi nagkakatugma ang damdamin ko sa aking pisikal na kasarian. Bakit ganoon?

I have tried everything para mawaksi ang damdaming babae ko. Nanligaw ako ng babae at may mga napasagot naman ako pero hindi nagtagal. Kasi nga, hindi ko maatim na ang karelasyon ko ay kaparehas ko ang damdamin.

Ngayon ay sinusubukan kong magbulay sa Salita ng Diyos. Sabi nila kapag alam ko ang kalooban ng Diyos ay mararamdaman ko ang kanyang presensya at Siya ang gagawa ng paraan para mabago ako.

Pero hinihintay ko ang advice mo sa akin.

Badet

Dear Badet,

Ituloy mo lang ang bible reading mo. Marami akong kakilalang kagaya mo na dahil binago ng Diyos ay nagkaroon pa ng pamilya at bagama’t kilos binabae pa rin ay masayang nabubuhay at kasama ang pamilya sa paglilingkod sa Diyos.

‘Yung iba naman na nag-alay ng buhay sa Panginoon ay kinakikitaan pa rin ng kilos ng isang babae pero hindi na nagsipag-asawa at inialay ang buhay sa pagsisilbi sa Diyos.

I will be praying for you and don’t forget to pray too. Hingin mo sa Diyos sa taimtim na panalangin na baguhin ka Niya at ‘yun ay walang pasubaling mangyayari.

Dr. Love

vuukle comment

ANG

BADET

BAKIT

DEAR BADET

DIYOS

DR. LOVE

GINAWA

HINDI

HINGIN

ITULOY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with