^

Dr. Love

Tukso lang ‘yan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Sana’y mabuti ang kalagayan ninyo sa pagtanggap ng aking sulat. Tawagin mo na lang akong Almira, 24-anyos.

Mayroon po akong kaklase nung ako ay grade six hanggang second year high school. Best friend ko po siya at nung first year kami ay niligawan niya ako. Naging kami pero pinaghiwalay ng landas nang umalis sila ng pamilya niya papuntang USA.

Sa unang taon ay lagi ko siyang iniisip pero nawala siya sa isip ko nang makilala ko si Orlan. Akala ko, isa lang siyang puppy love na lilipas din. Hindi ako nakapagtapos ng high school at nagtanan kami ni Orlan. Masipag naman siya at mapagmahal.

Nangyari ang hindi ko akalain. Duma­ting mula sa Amerika ang ex ko at hinanap ako. Nahanap niya ako sa isang mutual friend at nagkita kami sa isang fastfood chain. Parang nabuhay muli ang damdamin namin sa isa’t isa. Sinabi ko na may asawa na ako at nalungkot siya. Siya raw ay hiwalay sa asawang Amerikana at umuwi siya sa Pilipinas dahil nagbabakasakaling single pa ako.

Ano ang gagawin ko sakaling mag-propose siya sa akin?

Almira

Dear Almira,

Hindi na tinatanong iyan. May asawa ka kaya ang dapat mong isagot ay malutong na hindi.

Tukso lang ang nadarama mo sa puso mo kaya magpakatatag ka at alalahanin ang sarili mong pamilya.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALMIRA

AMERIKA

AMERIKANA

ANG

DEAR ALMIRA

DR. LOVE

ORLAN

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with