^

Dr. Love

Paano paiiwasin sa maling lalaki?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Biyuda na po ako pero nananatiling maligaya sa piling ng aking tatlong mga anak. Pero nitong mga nakaraang buwan ay dumaranas ako ng pangamba dahil bumukod ng tirahan ang panganay ko.

Nakatira siya sa condo malapit sa kanyang pinapasukang advertising agency. Bagaman linggo-linggo naman siyang umuuwi sa aming bahay sa Cavite.

Madalas po ay hindi ko mapigilang tawag-tawagan ang aking anak para kamustahin at makipagwentuhan na rin. Pero humihingi siya ng paumanhin dahil mas gusto niyang matulog. Dahil malimit siyang puyat sa trabaho.

Kung minsan naman ay tinatawanan niya ako, dahil ginagawa ko raw siyang baby. Gayong kaya naman daw niyang alagaan ang kanyang sarili. May araw na sinisisi ko ang aking sarili kung bakit pumayag pa akong lumayo para bumukod ng tirahan ang aking anak.

Mahal ko po ang mga anak ko, kaya marahil mas­yado akong possessive sa kanilang atensiyon. Ayaw ko po na ngayong malalaki na sila ay lumayo ang loob nila sa akin, lalo na sa usaping pag-ibig.

Pinapayuhan ko ang aking panganay na iwasang umiibig sa lalaking pamilyado na. Ang nais ko po ay maranasan nila ang tunay na kaligayahan sa pag-ibig. Gaya nang ibinigay sa akin ng kanilang yumaong ama.

Mali po ba ang layunin kong ito, Dr. Love? Sadya bang nangangamba ang gaya kong ina na nagkakaedad na? Pagpayuhan po ninyo ako.

Salamat po at hihintayin ko ang maganda ninyong payo.

Gumagalang,

Mrs. Tecson

Dear Mrs. Tecson,

Ang paghahangad ng kabutihan para sa mga anak ay dakilang layunin at tungkulin ng mga magulang. Kaya wala akong nakikitang mali sa pagsisikap mo na maipaunawa ito sa iyong mga anak, lalo na sa panganay mo.

Bigyan mo ng pagkakataon na makapagsarilihan kayo para makapag-usap ng mabuti. Saka mo subukang ilahad sa kanya ang mga pangamba mo bilang magulang.

Naniniwala ako na walang puso ang hindi madadala sa mga salita ng ina na puno ng pagmamahal.

Lagi mo ring ilapit sa Diyos ang iyong panganay. Dahil hindi Siya nawawalan ng paraan para mapabuti ang buhay nating lahat.

DR. LOVE

ACIRC

ANAK

ANG

AYAW

BAGAMAN

DAHIL

DR. LOVE

MGA

MRS. TECSON

PERO

STRONG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with