^

Dr. Love

True love, hindi pa matagpuan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung maaari, ikubli mo na lang ako sa pangalang Pete, 27-anyos at binata pa. Sabi nila ay playboy ako dahil kapag nagkaroon ako ng kasintahan ay hindi kami nagtatagal at may kapalit agad.

Ang hindi alam ng marami ay nakikipagrelasyon ako dahil ayaw kong masabi na wala akong kasintahan, lalo na sa pagdalo sa mga social occasions.  Pero sa totoo lang, hindi ko pa nakikita ang true love ko.

Hindi rin ako mapagsamantala sa babae dahil naniniwala ako na sagrado ang kasal at hindi dapat makipagtalik kung walang kasal.

Dahilan din siguro ito kung bakit tinatabangan ang mga babae sa akin kahit pa ipaliwanag ko ang prinsipyo ko tungkol dito.

Abnormal ba ako, Dr. Love?  Nagkakaroon ako ng sexual attraction sa magandang babae pero ‘yung feeling of love ay wala.

Ano maipapayo mo sa akin?

Pete

Dear Pete,

Congrats! Kakaiba ka sa ibang lalaki. May pagpapahalaga ka sa kasagraduhan ng kasal. Hindi ka abnormal kundi marunong kang mag-isip at may konsiderasyon ka sa kababaihan.

Tama ka. Sex is only for married couples.

Wait ka lang, Pete. Pasasaan ba at dara­ting din ang babaeng mamahalin mo. Huwag mo lang gawing dahilan sa pakikipagrelasyon ang pagiging out of place. Kung pinapahalagahan mo ang marriage, pahalagahan mo rin ang pakikipagrelasyon.

Dr. Love

ACIRC

AKO

ANG

ANO

DAHILAN

DEAR PETE

DR. LOVE

HINDI

HUWAG

KAKAIBA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with