^

Dr. Love

Boy Liit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Binabati kita ng isang pinagpalang araw, Dr. Love. Itago mo na lang ako sa alyas na Boy Liit dahil lubhang personal ang problema ko.

Wala akong ibang mapagsasanggunian ng aking problema dahil nahihiya ako.  Sobrang liit ng aking ari at dahil diyan ay natatakot akong makipagrelasyon at baka ako pagtawanan. Noong ako ay 21-anyos at high school student pa, dinala ako ng aking mga kaibigan sa isang bahay aliwan at binigyan ako ng chicks.

Ngunit nang magsarili na kami sa silid ay pinagtawanan ng babae ang aking ari nang makita niya ito dahil sobrang liit. Dahil sa nangyari ay napahiya ako at iniwanan ko siya sa kuwarto ng isang motel at mula noon, hindi na ako nanligaw.

Mayroon na rin akong karanasan sa babae pero minsan lang. Hindi naman ako nakaranas noon ng panlalait o insulto.

Ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang financial firm at bagama’t may mga nagkaka-crush sa akin dahil guwapo naman ako, nangingimi akong dumiga o dumiskarte. Makabubuti ba kung manatili akong single habang buhay?

Boy Liit

Dear Boy Liit,

Ang sabi ng mga dalubhasang doktor, ang pagpapaligaya sa babae ay wala sa sukat ng ari. Malaki man o maliit, basta’t ito ay nakaka-penetrate at ang pagtatalik ay puno ng pagmamahal ay walang problema.

Mukhang nagkaroon ka ng stigma sa ginawang panlalait sa iyo ng isang bayarang babae.

Ganyan talaga ang iba sa kanila. Kalimutan mo na iyon. Tiyak ko na ang isang disenteng babae na iibig sa iyo ng tunay ay hindi papansinin ang size ng iyong ari.

Saka huwag mo nang maliitin lalo ang sarili mo sa pagpatol sa mga babaeng upahan at baka kung anong sakit pa ang abutin mo.

Ang mahalaga, hindi ka impotent. Aanhin mo ang malaking ari kung nanlulupaypay naman?

Dr. Love

AANHIN

AKO

ANG

BINABATI

BOY LIIT

DAHIL

DEAR BOY LIIT

DR. LOVE

GANYAN

ISANG

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with