^

Dr. Love

Nabulgar sa Facebook

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal kong sinikap na hulihin ang aking ama kung talagang mayroon na siyang kinahuhumali­ngang ibang babae dahil halos hindi na siya umuuwi ng bahay at ang lagi niyang sinasabi ay may field work siya.

Naoobserbahan ko na laging wala si mommy kapag darating si daddy sa bahay. ‘Yun pala, tinatawagan muna niya si Manang Delia saka papa­labhan ang tambak na damit, na babalikan niya makalipas ang dalawang araw.

Lagi naman malungkot ang mommy ko, pero pinipilit niyang maging masaya kapag kaharap kami ng kapatid kong si Buboy. Kahit 15 years old lang ako, alam kong may problema ang mga magulang ko. At natatakot ako na humantong ito sa nangyari sa pamilya ng best friend kong si Mercy.

Hindi na po ako nakatiis at ipinagtapat ko kay Mercy ang sitwasyon namin. Madalas palang magkasamang mag-golf ang daddy niya at daddy ko. Hanggang sa ipakita niya sa’kin ang nakuha niyang web page ng babaeng nagnga­ngalang Barbara, na kayakap ang daddy ko. Ipinakita ko po ‘yun kay mommy pero hindi na siya nasurpresa­.

Nang umuwi si daddy, sadyang hinintay siya ng mommy ko at nagkaroon ng komprontasyon. Hindi po ako nakatiis at sinabi ko kay daddy na gumuho ang mataas na paggalang namin sa kanya dahil nagawa niyang ipagpalit si mommy at kami ni Buboy sa isang babaeng kandidata sa HIV.

Napahiya po siya at hindi na naitanggi ang tungkol doon. Nag-sorry siya dahil sa kahinaan niya. Mula noon ay hindi na pumupunta si daddy sa destino, pero malamig pa rin sa kanya ang mommy ko.

Sa palagay n’yo po, hanggang kailan namin dapat bigyan ng leksiyon ang daddy ko? Kaila­ngan po bang humantong sa paghihiwalay ang pagkakasalang ito ni daddy?

Miss ko na po ang masayang tahanan namin­. Ano po ang dapat naming gawin para mag­ka­sundo na ang mommy at daddy ko?

Gumagalang,

Nanette

Dear Nanette,

Makakatulong ang marriage counseling sa parents mo at family counseling kasama kayo ng kapatid mo. Ang mahalaga naman kung nagkamali ay makilala ang pagkakamali, humingi ng tawad at pagsikapan na hindi na ito maulit.

Masyado ka pang bata para dibdibin ang pagsubok ng inyong pamilya, ipaubaya mo ‘yan sa Diyos. Dahil siguradong may paraan Siya para bumalik ang masayang tahanan ninyo. Lagi mong ipagdasal ang mga magulang mo.

DR. LOVE

ACIRC

ANG

BUBOY

DADDY

DEAR NANETTE

DR. LOVE

HINDI

LAGI

MANANG DELIA

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with