^

Dr. Love

Dinaan sa dahas

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mangyaring itago mo na lang ako sa pangalang Merto 30-anyos. Tatlong taon na kaming kasal ng misis ko.

Mahal na mahal ko siya, isang pagmamahal na hindi niya kayang suklian ng kapwa pagmamahal at sadyang sarili ko lang ang masisisi ko. Bago kami nagpakasal almost  two years ago, kapitbahay namin siya.

Malaki ang pagkagusto ko sa kanya dahil sexy at maamo ang mukha niy a.  May kasintahan siya pero talagang nag-effort ako para makuha ko siya.

Nanligaw ako sa kanya pero agad niya akong binasted. Doon ko siya dinaan sa dahas. Sa tulong ng ilang kaibigan ko ay  dinukot namin siya isang gabi habang papauwi galing sa unibersidad. Dinala ko siya sa isang bodegang pag-aari ng aking kaibigan at doon ko siya sapilitang kinuha.

Hindi siya nagdemanda at pumayag na ako ang pakasalan sa halip na ang kanyang boyfriend.

Ngayon nga’y magdadalawang taon na kami pero nadarama ko ang malamig niyang pagtrato sa akin.  Lagi ring malayo ang tanaw niya at tulala. Nagsisisi ako sa ginawa ko pero paano maibabalik ang nakaraan? Tulungan mo ako, Dr.Love.

Merto

Dear Merto,

Ang prutas na hinog sa pilit ay laging mapait. Iyan ang napala mo sa sapilitang pagtangay mo sa kanya. 

Wala ka talagang ibang sisisihin kundi ang sarili mo. Kung ako ang ama ng naging asawa mo, hindi ako papayag na pakasalan ka kundi idedemanda pa kita para mabulok ka sa kulungan.

Wala akong maisip na solusyon kundi ang inyong paghihiwalay. Hayaan mo siyang maka-move on at gayun din ikaw dahil walang relasyon na iisa lang ang umiibig.

Ang pamimilit ay isang ground para mapawalang bisa ang kasal at kung ako ikaw,  hayaan mo ang asawa mo ang mag-initiate ng hakbang dahil siya ang inagrabyado mo.

Dr. Love

AKO

ANG

DEAR MERTO

DINALA

DR. LOVE

HAYAAN

IYAN

MERTO

SIYA

STRONG

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with