^

Dr. Love

Secret feelings

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello and warm greetings to you, Dr. Love.

Ako po si Espie, 26-anyos at may asawa. Aaminin ko po na 100 percent ang aking damdaming babae. Kahit nagkakagusto ako sa lalaki,  naa-attract din ako sa kapwa ko babae na maganda.

High school pa lang ay taglay ko na ang ganitong damdamin.  Pero hindi ako halatang tomboy sa aking kilos. Gusto ko rin kasing maging normal ang buhay at magkaroon ng asawang lalaki at mga anak. Kaya hanggang paghanga lang ako sa kapwa babae at hindi ako ni minsan nagkarelasyon sa kabaro ko.

Hanggang sa nakapag-asawa ako. Ni isa ay walang nakakaalam sa sikretong damdamin ko. Ngayon ay isa akong college professor. Sa aking pagtuturo ay nagkaroon ako ng estudyanteng maganda at naging kakaiba ang damdamin ko.

Nagkalapit kami bilang magkaibigan hanggang sa hindi ko mapigil na isiwalat ko ang talagang damdamin ko. Wala siyang isinagot sa pagtatapat ko pero ramdam kong lalo kaming naging close at ang kulang na lamang ay yayain ko siya sa pribadong lugar.

Kailangan ko ang advice mo, Dr. Love.

Espie

Dear Espie,

Isipin mo lang ang masaya mong pamilya, Espie.  Kung may anak ka na, isipin mo ang masasayang araw ninyong magkakapamilya at tiyak mawawala ang damdamin mong iyan.

Hahayaan mo bang masira ang pamilya mo dahil sa pakikipagrelasyon mo sa kapwa babae?

Isa pa, labag sa moralidad ang ganyang uri ng relasyon at hindi sinasang-ayunan ng Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

AAMININ

AKO

ANG

DEAR ESPIE

DIYOS

DR. LOVE

ESPIE

HAHAYAAN

HANGGANG

ISA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with