^

Dr. Love

Ayaw maging pabigat sa pagtanda

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pareho na kaming retire na mag-asawa, kaya naman kapwa nagsisinop kami sa natatanggap na separation pay para paghandaan ang aming pagtanda. Ayaw naming maging pabigat sa aming mga anak sakaling dumating ang araw na maging sakitin na kami.

Ang tinatanggap naming pensiyon ang siyang pinanggagastos namin para sa araw-araw na panga­ngailangan.

Ang problema ko po ay nang lumapit sa akin ang bunso naming anak, si Carmie at humihingi ng tulong sa hindi ko malamang dahilan na nababaon daw siya sa utang.

Malaki ang combined income nilang mag-asawa at pareho nang nasa kolehiyo ang kanilang mga anak. Pero gayun paman ay pinahiram ko ang aking anak, naglabas ako ng P100,000 mula sa savings naming mag-asawa para ipambayad sa matrikula ng aming mga apo. Ang usapan namin ni Carmie ay huhulug-hulugan niya ito para maibalik sa aming savings.

Pero hindi pa man nakakapagbigay ng kahit magkano ay heto na naman siya at nanghihiram uli ng pera. Ang sabi niya ay hindi raw alam ng kanyang asawa ang tungkol dito. Sa pagkakataong ito, hindi na po pumayag ang ­aking mister. Gayun din ang aking panganay. Huwag ko raw konsintihin ang kanyang kapatid na bunso.

Nakakaramdam po ako na hindi nagsasabi ng totoo ang aking anak tungkol sa nagiging problema niya sa pera. Bagaman madaling lumambot ang puso ko, hindi ko naman maiisantabi ang layunin namin ng aking mister na paglaanan ang aming pagtanda. Pagpayuhan po ninyo ako. Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Mrs. Avezado

Dear Mrs. Avezado,

Sa palagay ko ang unang tulong na kailangan ng iyong anak ay mailayo siya sa anumang pinagkakaabalahan niya, na nagreresulta sa pagkabaon niya sa utang. Ito ang sikapin mong malaman. Hingin mo ang tulong ng iba mo pang mga anak para alamin ang tungkol dito.

Maaaring iniisip mo na kung hindi mo pagbibigyan si Carmie sa ikalawang pagkakataon ay pinagdadamutan mo siya, pero hindi ‘yun ganon. Huwag mong salungatin ang pagtutol ng iyong asawa.

May pagkakataon na kailangan tikisin ang anak, para siya ay mapabuti.

DR. LOVE

ACIRC

ANAK

ANG

AYAW

CARMIE

DR. LOVE

HINDI

HUWAG

MRS. AVEZADO

PERO

STRONG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with