May itinatago?
Dear Dr. Love,
Hi, Dr. Love. Kung puwede huwag mo na akong tawagin sa totoo kong pangalan. Tawagin mo na lang po akong Faye, may asawa at kapwa kami nagtatrabaho dito sa Germany.
Kakatwa ang aming kalagayan dahil kahit naririto kami sa iisang bansa, madalang kaming magkita. Mga dalawang beses lang kami magkita kada buwan dahil ibang siyudad ang kinaroroonan niya. Araw-araw naman kaming nagkakaugnay sa internet at sa text.
Ngunit kahit nagkikita kami paminsan-minsan, parang may ipinagbago siya. Hindi na siyang kasing-sweet nang dati. Naghinala ako na baka may iba siyang kinalolokohan.
Sabi niya, masyado lang siyang pagod sa gawain. Paano ko malalaman ang totoo?
Faye
Dear Faye,
Mahirap magparatang nang walang ebidensya. Subukan mo pa rin siyang kausapin ng masinsininan dahil mahalaga ang transparency sa isang relasyon. Isa pa, kung lubhang magkalayo kayo, hindi makabubuti iyan sa inyong relasyon. Wala ka bang mapapasukang trabaho na malapit sa kinaroroonan niya? Subukan mong maghanap.
Exhaust all possible means para maibalik ang dating tamis ng pagsasama ninyo. Mag-usap kayong mabuti at alamin ang ugat ng problema.
Kung hindi, hindi mo malalaman ang puno’t dulo ng krisis na kinakaharap ninyo.
Dr. Love
- Latest