^

Dr. Love

Naputol na komunikasyon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po. Hope you are in best shape sa pagtanggap mo ng sulat ko. Tawagin mo na lang akong Hena, 23-anyos at isang housemaid dito sa Novaliches. Kahit ako ay katulong lang, hindi ako nahihiya basta marangal ang trabaho ko.

May 3 taon na po akong wala sa aming probinsya sa Pangasinan. Doon ay may boyfriend ako. Nagkakaugnayan lang kami sa pamamagitan ng text pero ‘yon ay naputol matapos ang kalaha­ting taon.

Nagsumpaan kami noon na magmamahalan hanggang wakas pero nagtataka ako kung bakit pinutol niya ang komunikasyon namin. Hanggang ngayon ay nagti-text ako sa kanya pero ayaw sagutin.

May nanliligaw sa akin ngayon. Kaso may nararamdaman pa ako sa boyfriend ko, kahit hindi siya sumasagot sa mga text ko.

Ano ang gagawin ko?

Hena

Dear Hena,

Mabuti na lang at hindi mo pa siya asawa at boyfriend mo lang. Kung mahal ka pa niya, kahit nanakaw o nawala ang cellphone niya ay mag-e-efort siya na makaugnay ka.

Kaya ang payo ko ay kalimutan mo na lang siya. Pero bago ka sumagot sa ibang manliligaw, huwag kang padalus-dalos. Sabi nga ng matatanda, ang pag-ibig ay hindi kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.

Dr. Love

ACIRC

AKO

ANG

ANO

DEAR HENA

DR. LOVE

HANGGANG

HENA

KAHIT

KASO

STRONG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with