^

Dr. Love

Wala nang ugnayan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and hello. Hope you are fine sa pagtanggap mo ng sulat ko.  Tawagin mo na lang akong Mardi, 23-anyos at isang housemaid dito sa Mandaluyong City.

Nung bago ako umalis sa Cebu, 2 years ago  para mamasukan dito ay may asawa ako. Tawagin mo na lang siyang Arnel. One week pa lang kaming kasal nang magkalayo at wala pa kaming anak.

Pero sapul noon ay wala na kaming communication. Umaasa ako na magkakaugnay kami sa internet dahil may mga internet café naman sa Cebu pero walang nangyari. Pareho din kaming may cellphone pero ni kapirasong text ay wala.

May nanliligaw sa akin ngayon na napagsabihan ko ng problema. Sabi niya, sagutin ko na siya at magsama kami dahil baka mayroon nang iba ang asawa ko.

Damdam ko ay napapamahal na sa akin ang manliligaw ko  pero hindi ko pa siya sinasagot. Best friend lang.

Ano gagawin ko?

Mardi

Dear Mardi,

Buti pa umuwi ka muna sa Cebu para malaman mo kung ano ang nangyari.  Dalawang taon ka nang namamasukan, puwede kang humingi ng bakasyon kahit isang linggo.

May asawa ka at kasal kayo. Wala man kayong komunikasyon ay legal ang kasal ninyo.

Malay mo, huwag namang ipahintulot baka may kung anong nangyari sa mister mo. Iyan ang bagay na klaruhin mo. Huwag kang gagawa ng hakbang na padalus-dalos.

Dr. Love

ANO

ARNEL

ATILDE

BUTI

CEBU

DALAWANG

DEAR MARDI

DR. LOVE

MANDALUYONG CITY

STRONG

TAWAGIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with