^

Dr. Love

Nawalan ng pananabik kay Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahigit sampung taon na kami ng aking asawa at may dalawang anak, sadya ho ba na sa ganito katagal nang pagsasama ay nawawala ang interes ng iyong partner?

Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit hindi na gaya ng dati ang pagsasama namin ni Daisy. Napansin ko ang kanyang pagbabago mula nang madestino ako sa aming planta sa Laguna.

Kada Biyernes ang uwi ko at muling babalik sa planta ng Linggo ng gabi o kaya’y Lunes ng madaling araw bilang maintenance engineer. Ang dalawang araw kong pananatili sa aming bahay ay pahinga ko talaga para makabawi ng lakas para sa panibagong linggo ng trabaho.

Nauunawaan ko po na maaaring napapagod din ang asawa ko na nagtatrabaho rin bilang auditor ng isang kompanya, pero hinahanap-hanap ko ang atensiyon niya para sa akin. Dahil limang araw kaming hindi magkatabi sa pagtulog, pero sa kabila noon ay hindi ko makita ang pananabik niya tuwing ako ay uuwi.

Ano po ba ang dapat kong gawin para magbalik ang pagkasabik naming mag-asawa sa isa’t isa, gaya noong bagong kasal pa lang kami?

Maraming salamat po at sana magpatuloy pa nang matagal ang serbisyo ng pitak ninyong ito sa mga mambabasa na may problemang tulad ko.

Gumagalang,

Dominique

Dear Dominique,

Masyadong okupado ng trabaho ang pagsasama ninyong mag-asawa. Sikapin ninyong maging balanse lang ang lahat. Kung atensiyon ang hinahanap mo sa iyong asawa ay, malamang na noon pa, ito rin ang hangad niya na ibigay mo. Hanggang sa katampalayan na lang niya ang tungkol dito.

Kung ako sa’yo, kumilos ka na agad at huwag hayaang lumala pa ang sitwasyon ninyong mag-asawa. Ano ba naman ang ilang araw na leave para mapagtuunan mo naman si misis. Pag-isipan mong mabuti ang bagay na ito at kumilos ka agad.

DR. LOVE

ANG

ANO

ASAWA

DAHIL

DEAR DOMINIQUE

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGGANG

KADA BIYERNES

LINGGO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with