^

Dr. Love

Kilos babae, ‘Di naman bakla

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello, Dr. Love. Ako po si Jonath, 21 anyos at wala pang girlfriend. Ang tingin kasi ng ibang tao sa akin, lalo na ang mga babae ay isa akong gay. Hindi po totoo ito.

Sa katunayan, lalaking-lalaki ang feelings ko. Ang problema ko po ay maliit ang aking boses at malambing magsalita.

Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako makapanligaw. Nagkaroon ako ng inferiority complex dahil sa kalagayan kong ito. Pati sarili ko ay kinaiinisan ko dahil sa situwasyong ito.

Pati mga relatives ko ay nagsususpetsang bakla ako at ang mga pinsan ko ay tinatawag akong bakla. Hinding-hindi ako bakla, Dr. Love.

May paraan ba para mawala ang ganitong hinala sa akin?

Jonath

Dear Jonath,

Mayroong paraan at iyan ay ang pagkakaroon mo ng girlfriend.  Pero sabi mo takot kang manligaw. Problema mo iyan, Jonath. Kailangang ma-overcome mo at simulan mo ang panliligaw.

Kaso hindi ka pa nanliligaw ay takot ka na yatang mabigo?  Kung nais mong malaman kung ang babae ay may gusto ko sa iyo, kailangang humakbang ka. Ibig kong sabihin, ligawan mo siya.

Huwag mong intindihin muna ang maaaring sabihin niya sa iyo. Ang alam ko, sa sandaling magtapat ka, makukumpirma niya na lalaki kang talaga.

Effeminism ang tawag sa kondisyon mo. Hindi ka bakla pero mahinhin ang galaw. Mao-overcome din iyan habang nagkaka-edad ka. Maraming tunay na lalaking katulad mo at sila’y naging successful. Kagaya mo pero nagkapa­milya at maligaya sila. Hindi kapansanan ang taglay mo, Jonath.

Subukan mong mag-gym para maging maskulado ka para ‘di ka na mapagkamalan.

Dr. Love

 

ACIRC

ANG

DEAR JONATH

DR. LOVE

EFFEMINISM

HINDI

HUWAG

IBIG

JONATH

PATI

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with