^

Dr. Love

Pag-ibig minsan sa isang buwan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Siguro ay familiar ka sa awiting Me and Mrs. Jones. Tungkol ito sa bawal na pag-ibig ng dalawang lovers na kung magtagpo ay minsan lamang sa isang taon at sa kaparehong lugar.

Sa awiting ito’y para kong nakikita ang aking sarili dahil nasa ganyang situwasyon ako. Tawagin mo na lang akong Chard, 24-anyos at binata pa.

Si Lorna ay may asawa at nagkakilala kami January last year sa isang party. Siya ay 35-anyos at may asawa. Malayo ang agwat namin sa edad.

Naging close kami at naikukuwento niya sa akin na hindi siya happy sa mister niya na madalas nasa ibang bansa dahil sa kanyang negosyo.

Nagka-develop-an kami na nauwi sa minsang pagtatagpo sa isang motel na nasundan pa ng ilang ulit. Ginagawa namin­ ito minsan sa loob ng isang buwan lang.

Kahit matanda siya sa akin at may asawa ay natutunan ko siyang mahalin. Pero binabagabag ako ng aking konsensya. Dapat bang ipagpatuloy ang kabaliwang ito?

Ano gagawin ko?

Chard

Dear Chard,

Sa pagsasabing kabaliwan ang inyong ginagawa ay pagkilala na ito ay mali. Talaga namang saan mang anggulo silipin ay mali iyan.

Binata ka nga pero may lalaking dinudumihan mo sa ulo. Ilagay mo ang situ­wasyon mo sa asawa ng kalaguyo mo.

Sa mata ng Diyos at sa batas ng tao ay kasalanan iyan. Kaya kalimutan mo na ang sinasabi mong kabaliwan.

Dr. Love

ACIRC

ANG

ANO

BINATA

DAPAT

DEAR CHARD

DIYOS

DR. LOVE

MRS. JONES

SI LORNA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with