^

Dr. Love

From friends to enemies

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and a warm greetings to you. Tawagin mo na lang akong Mariz, 15-anyos at isang high school student sa isang Catholic school.

Nagkagalit kami ng best friend ko dahil lang sa lalaki na hindi ko alam ay boyfriend pala niya.

Dumalo kami sa debut ng isa pang kaibigan at ipinakilala ng friend ko ang isang lalaki na hindi naman niya sinabing siyota niya.

Mukhang nagka-crush sa akin ang lalaki dahil ayaw umalis sa tabi ko at natural lang na nagkuwentuhan kami.

Nang matapos ang party ay hindi na ako kinibo ng best friend ko at isang buwan na ang nakararaan ay hindi pa rin ako kinakausap.

Nalaman ko na lang na siyota pala niya ‘yung lalaki na ngayon ay laging nagte-text sa akin.

Tinangka ko na siyang kausapin para magpaliwanag pero ayaw niyang makipag-usap. Ayaw kong masira ang friendship namin. Ano ang gagawin ko?

Mariz

Dear Mariz,

Wala ka namang kasalanan kaya huwag kang mag-alala. Hindi ba siya naman ang nagpakilala sa lalaki at ni hindi sinabing boyfriend niya?

Hayaan mo na lang muna siya na hindi ka kinikibo at babatiin ka rin niya sa katagalan. Tutal tinangka mo nang makipag-usap sa kanya pero hindi ka pinapansin.

Ipag-pray mo na lang siya na sana’y maliwanagan ang nalalabuan niyang isip.

Dr. Love

ANO

AYAW

DEAR MARIZ

DR. LOVE

DUMALO

HAYAAN

IPAG

MARIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with