^

Dr. Love

Tatanggapin pa ba?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po at isang magandang araw sa inyo.

Ako po si Matilde, 50-anyos, may dalawang anak na kapwa binata na at nagsipagtrabaho na pagkaraang makatapos sa kolehiyo.

Solong magulang ako, naitaguyod ko sila sa pamamagitan ng iba’t ibang hanap-buhay na pinasok ko dahil wala na akong maaasahan sa kanilang ama na laging bangag sa bawal na gamot at lango sa alak.

Hindi ko na po natagalan ang sitwasyon kaya napagpasyahan kong isauli na siya sa kanyang mga magulang, baka sakaling tumino pa sa kanila. Pinapili ko ang aking biyanan kung tatanggapin niya ang kanyang anak o mananatili ito sa amin pero magsustento sila para sa pangangailangan ng aming dalawang anak. Pinili niya ang aking mister.

Kung anu-ano po ang pinasok ko para matustusan ang pag-aaral ng mga bata, maging ang ara­wang kailangan namin. Nagtinda ako ng gulay at prutas sa palengke, nagho-home service ng gupit, manicure at pagme-make up kung may okasyon.

Ngayon po ay kapwa may trabaho na at may sariling kita na ang aking mga anak, ayaw na nila akong pagtrabahuhin. Samantalang palala nang palala ang bisyo ng aking asawa, nagsusugal na at nambababae. Hindi po ako pumayag nang gustong ibalik ng biyanan ko ang kanilang anak sa amin para raw may magtatanggol sa amin sa masasamang loob.

Ang inaalala ko lang po, hindi ko alam ang saloobin ng mga anak ko tungkol sa naging pasya ko. Dapat ko ba silang tanungin?

Maraming salamat po sa inyong payo at God bless you always.

Gumagalang,

Matilde

Dear Matilde,

Mas mabuti na malaman mo ang kanilang side tungkol sa sitwasyon ng inyong pamilya. Anong malay mo, may magandang suhestiyon sila para mas mapabuti ang samahan ninyong mag-anak.

DR. LOVE

ANAK

ANONG

DAPAT

DEAR MATILDE

DR. LOVE

GUMAGALANG

MARAMING

MATILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with