^

Dr. Love

Selosang misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you, Sir. Ako po si Armand, 29-anyos at may asawa’t dalawang anak.

Mahal ko ang misis ko. Tawagin mo na lang siyang Elsa. Ang problema lang ay ang labis niyang pagiging selosa.

Sa loob ng walong taon naming pagsasama, tingin ko’y patindi nang patindi ang pagseselos niya.

Noong araw ay naaaliw ako sa pagseselos niya. Tanda raw ito ng pagmamahal. Kaya kapag nagseselos siya sa akin ay tumataas ang aking moral.

Pero sa nakalipas na dalawang taon ay pinag-aawayan na namin ito. Madalas ay wala sa katuwiran ang panibugho niya.

Wala akong ginagawang masama at hindi ako nagtataksil. Pero kaunting delay ko lang sa pag-uwi ay inaaway na niya ako.

Halos araw-araw ay nangyayari ang pagseselos na ito. Ano ang gagawin ko Dr. Love?

Armand

 

Dear Armand,

Unawa ang kailangan. Baka kulang ka sa karinyo sa kanya? Ipasyal mo siya kapag wala kang trabaho. Kumain kayo sa labas.

Kung ano ang ginagawa mo noong nagliligawan kayo ay gawin mo para ma-build up ang self-confidence niya.

Talagang may mga babaeng likas na selosa kaya dapat palawakin ang isipan natin at sila ay unawain.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

ARMAND

DEAR ARMAND

DR. LOVE

ELSA

IPASYAL

KAYA

PERO

SIR. AKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with