^

Dr. Love

Kinainggitan ng bilas

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po maunawaan ang aking bilas kung bakit hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin, gayong wala naman akong ginawang masama sa kanya.

Ang pagkagiliw ng mga biyanan ko sa akin at sa aking anak ay gaya rin naman ng pakikitungo kay Debbie, asawa ng kapatid ng mister ko at sa kanilang mga anak. Halos ayaw na nga silang pagastusin sa kanilang pakikipisan sa bahay ng mga matatanda. Wala silang bayad sa upa, kuryente, tubig, telepono at kahit yaya ng anak nila ay ang mga magulang ni Paolo ang nagbabayad.

Pero simula nang pansamantala kaming makitira sa mga biyanan ko, dahil ginagawa pa ang aming bahay, sinagot ko po ang mga iyon pati ang pamalengke. Nahihiya nga ang mga biyanan ko kapag nag-aabot ako sa kanila.

Ang narinig kong parunggit ni Debbie sa akin na mapapel daw ako at mula nang dumating ako ay hindi na sweet sa kanya ang biyanan kong babae, na hindi naman totoo, ang nag-udyok sa akin na mangupahan na lang sa apartment.

Nauunawaan naman ako ng aking mister, kahit siya ang bumili at nagpatayo ng bahay ng kanyang mga magulang ay umalis kami doon. Parang nakipag-unahan naman sina Debbie sa pag-alis namin na bago pa kami makalipat ay nag-alsa balutan na silang mag-anak.

Hindi ko po gustong magkasira ang pamilya ng mister ko, kaya hindi ako nagkukwento sa aking mga biyanan. Pero alam daw nila ang dahilan ng paglipat namin. Dahil noon pa, sila ang nakikisama kay Debbie. Iba raw kasi ang ugali niya.

Hindi na muling bumisita sila Debbie sa aking mga biyanan. Kami naman po ni Paolo ay nagsasama ng maligaya. Gustong i-adopt ni Paolo si Mikey na anak ko sa pagkadalaga.

Nagpapasalamat ako sa Dios dahil kahit iniwan ako ng lalaking minahal ko nang malamang buntis ako, binigyan naman niya sa akin ang mapagmahal na si Paolo at ang pamilya nito.

Sana kapulutan ng aral ng mga readers ninyo ang istorya ng buhay ko. Maraming sala­mat po sa pagbibigay ninyo ng pagkakataon sa sulat ko.

Gumagalang,

Myrna

Dear Myrna,

Natitiyak kong kinapulutan ng magandang aral ng mga mambabasa ang istorya mo. At nagpapasalamat kaming lahat dito sa Dr. Love dahil sa pagtitiwala mo. Nawa’y patuloy na lumago ang pagmamahalan sa inyong tahanan at sa buong pamilya.

DR. LOVE

AKO

BIYANAN

DEAR MYRNA

DR. LOVE

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with