^

Dr. Love

Pinahihinto sa pag-aaral

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta ka po, Sir? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo sa sulat ko. Ipinasya kong sumulat at humingi ng payo sa inyo dahil sa bigat ng aking problema. Alam ko na kinabukasan ko ang nakataya sa bitbit kong suliranin.

Itago mo na lang ako sa pangalang Mercy, 17-anyos at college student. Mahirap lang kami at lalong tumindi ang kahirapan nang maalis sa trabaho ang aking tatay. Ambisyon ko na makatapos ng kolehiyo para mahango kami sa kahirapan.

Nang mawalan ng trabaho ang aking ama dahil na-stroke, kinausap ako ng aking mga magulang at sinabing dapat na akong huminto sa pag-aaral.

Nasa second year pa lang ako sa kursong nursing dahil hindi ako maka-full load sa kakula­ngang pinansyal.

Okey lang sana sa akin at nauunawaan ko ang situwasyon. Pero lalo akong nagulat nang sabihin nila na ipakakasal ako sa isang matandang mayaman. Ang inirereto sa akin ay 50-anyos na at puwede ko nang maging tatay.

Ito lang daw ang makakahango sa amin sa kahirapan. Ayoko Dr. Love. Mayroon akong boyfriend at nagmamahalan kami.

Ano ang dapat kong gawin?

Mercy

Dear Mercy,

Huwag kang panghinaan ng loob. Kausapin mo ang iyong mga magulang at sabihing kaligayahan mo ang nakataya. Maghanap ka ng part time job para maipagpatuloy ang kurso mo kahit paunti-unti.

Palagay ko naman ay mauunawaan ka ng tatay at nanay mo dahil wala namang magulang na makatitiis na makita ang anak na nagdurusa.

Sabi nga, kung may determinasyon ka na maabot ang iyong layunin sa buhay ay maga­gawa mo ito.

Dr. Love

ALAM

AMBISYON

ANO

DEAR MERCY

DR. LOVE

HUWAG

IPINASYA

ITAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with