^

Dr. Love

Kulang sa pang-unawa ang bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May ate po ako na tatlong taon nang balo. Halos ikabaliw ni Ate Menang ang pagkamatay ng kanyang asawa, lalo’t naiwan siyang baon sa utang dahil sa gamutang nangyari pero bigong maisalba ang mister niya laban sa sakit nitong cancer.

Wala po silang anak. Ipinanghina ng husto ni ate ang mga nangyari, nawalan na  siya ng ganang magtrabaho.

Malapit po kami sa isa’t isa, hindi lang bilang magkapatid kundi masasabing mag-best friend kami. Kaya naman hindi ko maiwan ang ate ko. Bagay na hindi naiintindihan ng boyfriend kong si Dennis.

Mahal ko po si Dennis, pero mahal ko rin ang kapatid ko. Ako na lang ang nasasandalan niya. Ayaw ko po na tuluyan siyang masiraan ng bait. Mahina kasi ang loob ni ate sa maraming bagay.

Hindi ko po gustong ipagsapalaran ang feelings ko sa taong kulang sa pang-unawa. Ayaw ko rin na problemahin ni Dennis ang pamilya ko. Payuhan po ninyo ako.

 Maraming salamat at mabuhay kayo.

 Marina

Dear Marina,

Sa palagay ko masyado pang pre-mature para ikonsidera ang break up sa inyong relasyon. Subukan mo na bigyan pa ng pagkakataon ang boyfriend mo na maunawaan ang sitwasyon mo. Mag-usap kayo ng masinsinan. Dahil kung tunay ang pagmamahal niya sa iyo, magagawa niyang mag-adjust para mapanatili ang relasyon ninyo. Ngayon kung walang mangyaring maganda, saka ka magdesisyon.

DR. LOVE

ATE MENANG

AYAW

BAGAY

DAHIL

DEAR MARINA

DR. LOVE

IPINANGHINA

KAYA

MAHINA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with