^

Dr. Love

Best gift

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tuwing bumibisita ako sa aking mga magulang, hindi ko maiwasang magdamdam. Dahil nakikita ko ang mga iniregalo ko sa kanila na nakabalot pa, naka-hanger o kaya’y suot ng isang kamag-anak.

Minsan, tinanong ko sila tatay at nanay kung bakit hindi nila ginagamit ang regalo kong mga damit o kaya’y bag. Ang sabi nila ay marami na silang kasuotan at hindi na nila matandaan kung kanino galing ang regalo.

Hindi naman nga pala masyadong nag-aalis ang mga magulang ko, kadalasan ay nagsisimba o kaya ay dumadalo ng meeting dito o kaya sa aming barangay.

Nag-iisang anak lang po ako, Dr. Love kaya kada papalapit ang Pasko ay malaking hamon sa akin ang mabigyan ng kaligayahan ang aking may edad nang mga magulang.

Last year ay ipinasyal ko sila sa Bali, Indonesia. Kitang-kita ko ang ningning sa mga mata nila. Parang hindi sila napapagod sa paglalakad. Napakasayang karanasan ‘yun para sa amin.

Iilang araw na lang at Pasko na uli, pero wala pa akong maisip na regalo para kina tatay at nanay. Tulungan po sana ninyo akong makapagpasiya, Dr. Love.

Ang sabi ni nanay, hindi naman sila humihingi ng mga mamahaling gamit. Ang kailangan lang anya nila ay maramdaman na talagang mahal sila.

Sa ngayon po ay hindi bumubuti ang pagkamalilimutin ni tatay at kumukulit naman si nanay. Isang malayong kamag-anak ang napakiusapan kong umaruga sa kanila. Dahil ayaw naman nilang iwanan ang dati naming bahay.

Maraming salamat po. Advance Merry Christmas po sa inyo at sa lahat na bumubuo ng Pilipino Star Ngayon.

Gumagalang,

Elvira

Dear Elvira,

Para sa akin, ang pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa iyong mga magulang ay panahon at atensiyon. ‘Yung mas madalas mo silang mapuntahan para alamin ang kanilang kalagayan, ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa aspetong pangkalusugan at magkaroon ng oras para makakwentuhan mo naman sila. Sa ganitong paraan ay hindi lang pagmamahal ang maipadarama mo sa kanila kundi ang importansiya nila sa iyo bilang magulang.

DR. LOVE

ADVANCE MERRY CHRISTMAS

DAHIL

DEAR ELVIRA

DR. LOVE

ELVIRA

PASKO

PILIPINO STAR NGAYON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with