^

Dr. Love

Hinanakit ng isang ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hanggang ngayon ay hindi ko po maitago ang hinanakit ko sa sinabi ng aking anak tungkol sa hindi raw pantay na pagtingin ko sa kanilang magkakapatid.

Lima po ang aming anak ng sumakabilang-buhay ko nang mister. Dalawang lalaki at tatlong babae. Sa edad kong pitumpung taon sapol sa kanilang pagkabata ay nagsikap akong maiparamdam ang aking pagmamahal sa kanilang lahat.

Kapag binilhan ang isa ng damit, dapat bilhan na ang lahat. At ang kani-kaniyang paboritong ulam ang siyang ipinapabaon ko sa kanilang sa eskwela. Kaya nalulungkot po ako dahil para sa anak kong si Donna ay itinatangi ko ang kanyang Ate Pricilla, na madalas ko raw sadyain sa Pampanga habang ni-minsan ay hindi pa ako natulog sa kanilang bahay.

Nag-umpisa ito nang mag-imbita siya na mag-Pasko at Bagong Taon ako sa kanilang bahay. Pumayag ako pero ang gusto ko sana ay sa aming bahay sa Quezon City gawin ang reunion. Sinabi niyang siya ang unang nag-imbita at ito na ang ipinagtampo niya.

Dr. Love, bukod sa maasikaso sa akin ang panganay kong anak kapag naroon ako sa kanyang bahay at talagang nahuhumaling ako sa sariwang hangin at sariwang pagkain sa kanilang lugar. Kaya napapadalas na ako sa Pampanga.

Base po sa aking pagsasalaysay, sa palagay n’yo po ba may itinatangi akong anak? Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Aling Pining

Dear Aling Pining,

Sa halip na tutukan mo ang hinanakit, pairalin mo ang pagmamahal sa iyong anak. Subukan mo na bigyan ng panahon na makapag-usap kayo ng sarilihan, saka mo ipaliwanag sa kanya kung bakit ka napapadalas sa Pampanga. Sikapin mo rin na mapagbigyan si Donna sa kanyang paglalambing na makasama ka naman niya at ng iyong mga apo sa kanya. Hindi naman mabigat ang hiling ng iyong anak, sa totoo lang nakakataba nga ng puso na nag-aagawan sa atensiyon mo ang iyong mga anak. Kailangan lang ay magkapaliwanagan para maiwasan ang tampuhan.

Dr. Love

AKO

ALING PINING

ANAK

ATE PRICILLA

BAGONG TAON

DEAR ALING PINING

DR. LOVE

KANILANG

KAYA

PAMPANGA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with