^

Dr. Love

Tatlong taong naghihinagpis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako at nagpupugay sa iyo Dr. Love. Sana’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng sulat ko. Tawagin mo na lang akong Treena, 30-anyos at may-asawa.

Ang problema ko ay ang aking ama na tatlong taon nang ipinagluluksa ang pagpanaw ng aking ina.

Nag-iisa akong anak at mahal na mahal ko ang ama ko at ayaw kong makita siyang nalulungkot. Mabait naman ang asawa ko na pumayag na makasama namin siya sa aming bahay.

Malaki na ang ibinagsak ng dati niyang matipunong katawan dahil matumal siya kung kumain. Sinasabi ko sa kanya na mamuhay siya ng normal. Ang edad niya ay 57-anyos lang at hindi siya dapat nagkukulong lang sa bahay.

Sabi ko, sumama siya sa kanyang mga kaibigan. Kung maaari’y makipagkaibigan siya sa mga babae at humanap ng bagong kaligayahan.

Pero sa tuwing sinasabi ko ito, laging sinasabi niya ay walang kapalit ang aking ina.

Nangangamba ako na baka abutan ko na lang siyang wala nang buhay. Kakaiba at hindi na normal ang ikinikilos niya.

Ano ang dapat kong gawin?

Gumagalang,

Treena

 

Dear Treena,

May mga pambihirang kaso ng labis na pagmamahal at kasama diyan ang sa iyong ama. Masyado niyang dinamdam ang pagkamatay ng iyong ina na labis niyang minamahal.

Sa tingin ko ay isang uri ng depression ang dinaranas niya ngayon at hindi normal na magtagal iyan ng tatlong taon.  Professional help ang kailangan niya at kung magagawa mo, dalhin mo siya sa isang clinical psychologist o psychiatrist na makatutulong sa kanyang problema.

Tama ka, bata pa siya at hindi dapat tumigil ang pag-inog ng kanyang daigdig.

Dr. Love

 

ANO

BUMABATI

DEAR TREENA

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAKAIBA

MABAIT

SIYA

TREENA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with