^

Dr. Love

Nagseselosan

Pilipino Star Ngayon

Dr. Dr Love,

Mapagpalang araw sa’yo at sa lahat ng tagasubaybay at bumubuo ng Dr. Love.

Tawagin mo na lang akong Cristy, 26-anyos, may asawa at dalawang anak na lalaki.

Ang problema ko po ay tungkol sa aking pa­nganay at bunsong anak na hindi magkasundo. Sampung taon ang panganay at ang bunso ay walong taong gulang. Lagi silang nagseselosan.

Kapag bumibili ako ng gamit para sa kanila tulad ng bagong damit, laging nagseselos ang panganay at sinasabing mas maganda ang ibinili ko kay bunso.

Kapag pareho naman ang estilo at disenyo ng bibilhin ko para sa kanila ay ‘yun ding panganay ko ang nagrereklamo dahil ayaw niyang magkapareho sila.

Gusto ko sanang magkasundo sila. Pero ang talagang problema ko ay ang panganay. Ano ang gagawin ko?

Gumagalang,

Cristy

Dear Cristy,

Hangga’t maaga ay suhetuhin mo na ang masamang ugali ng anak mong panganay.

Kung mamimili ka para sa kanila, pareho mo silang isama para sila mismo ang pipili ng gusto nila.

Sa paliwanag na maiintindihan ng isang bata ipaunawa mo, lalo na sa iyong panganay na silang dalawa ay magkapatid at dapat magmahalan. Sa lahat ng pagkakataon, sikapin mo rin maipakita ang pantay na importansiya nila sa pamilya. Hingin mo ang kooperasyon ng iyong asawa rito.

Kapag nanatili ang ganyang ugali ng anak mo, baka may problema na sa kanyang attitude at dapat ikonsulta sa child psychiatrist.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR CRISTY

DR LOVE

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGGA

HINGIN

KAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with