Misis umibig sa kapwa babae
Dear Dr. Love,
Sweet greetings to you and your legion of readers.
Tawagin mo na lang akong Margot, 26-anyos at may asawa. Nagtataka ako sa sarili ko.
May nakilala akong babae na na-attract ako. Noong college pa ako ay may tendency na po akong maakit sa kapwa ko babae pero hindi ko naman tinuring ang sarili ko na isang tomboy dahil nagkaroon ako ng apat na boyfriends.
Ngunit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon kay Marie, bagong empleyada sa bankong pinagtatrabahuhan ko.
Naging very close kami. Dalaga siya. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong ipahayag sa kanya ang aking damdamin at hindi nagtagal ay sinabi niyang may nararamdaman din siya sa akin.
Mahal ko ang aking asawa pero bakit parang so attracted ako kay Marie. Pagpayuhan mo sana ako, Dr. Love. Alam kong mali pero ito ang nadarama ko.
Margot
Dear Margot,
Hindi mo nasabi kung may mga anak ka. Margot, isipin mo lang ang iyong happy family at alam kong mawawala sa isipan mo ang damdaming iyan.
Tiyak ko na ‘di mo hahayaang masira ang pamilya mo dahil sa pakikipagrelasyon mo sa kapwa babae. Ikaw na rin ang nagsabing mali at sesegundahan ko. Mali talaga!
Higit sa lahat, hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang ganyang relasyon ng mga taong pareho ang kasarian.
Huwag mong hayaang masira ang magandang relasyon mo sa iyong asawa dahil lang sa maling damdamin mo.
Dr. Love
- Latest