Tsinitsismis ng dating amo
Dear Dr. Love,
Nagngingitngit po ngayon ang kalooban ko sa dati kong amo, matapos niya akong itsismis at ipagkalat na ninakawan ko raw sila kung kaya nila ako pinalayas sa kanilang bahay.
Binitiwan ako noon ni Tiya Rosy dahil hindi ko na kayang mag-stay in mula nang makapag-asawa ako at magkaanak. Tumatanggap na lang po ako ng labada at plantsahin dalawang beses sa isang linggo para makatulong sa aking asawa. Gusto ko rin po mapaglaanan ng sapat na panahon ang aking dalawang anak.
Minsan akong tinawag ni Tiya Rosy para ipaglaba sila pero sa mas mababang saahod. Dahil may pinagsamahan naman kami pumayag po ako. Kahit na hindi maganda ang trato sa akin ng kanyang mga anak.
Pero dumating po sa punto, na nakikipagsabayan na ang kanyang mga anak sa pakikipaki sa pamamalengke at pag-aalaga ng kanilang anak. Hindi ko na po magagawa ‘yun lalo pa’t nangangamuhan na ako sa iba.
Ako pa ang tinatawag ni Tiya Rosy para samahan ang kanyang manugang na manganganak na gayon nasa bahay naman pala ang kanyang anak na asawa nito. Hindi ko rin po siya napagbigyan noon dahil wala pa ang amo ko at hindi ko maiiwanan ang bahay kung wala pa sila.
Mula noon ay sinisimangutan na ako ni Tiya Rosy at ng kanyang manugang, ang masaklap pa ay sinisiraan nila ako.
Sa sama ng loob nakakaisip po ako na maghanap ng albularyo para ipakulam sila. Pagpayuhan po ninyo ako.
Maraming salamat po at More power to you.
Gumagalang,
Auring
Dear Auring,
Huwag kang magtanim ng masama at tularan sila. Ibaling mo ang iyong atensiyon sa ibang bagay. Ang katulad nila ay huwag mong pag-aksayahan ng panahon dahil wala itong maidudulot na mabuti sa iyo. Sapat na maayos ang kalagayan mo at hindi naniwala ang mga amo sa tsismis na ipinagkakalat nila.
DR. LOVE
- Latest