Mag-on pero walang ‘I love you’?
Dear Dr. Love,
Mag-iisang taon na kaming mag-on ng boyfriend ko at halos araw-araw kaming magkasamang lumalabas para mag-dinner o kaya’y manood ng sine. Pero ang hindi ko po maintindihan ay kung bakit hindi ko pa rin marinig sa kanya ang salitang “I love you.”
Para po kasi sa isang babaeng gaya ko, mahalaga na marinig din ang words of endearment na iyon. Isang assurance din po na maituturin iyon na pareho nga ang damdamin namin para sa isa’t isa.
Naisip ko rin tuloy kung paano naging kami. At ang natatandaan ko lang ay lagi kaming magkasama at nami-miss namin ang isa’t isa kapag hindi magkasama.
Minsan ko nang tinanong si Danny kung bakit hindi niya masabi sa akin na mahal niya ako. Ang sagot niya ay susurpresahin niya sana ako. Tinanong din niya kung hindi ko naa-appreciate ang mga bagay na ginagawa niya para maipadama ang pagmamahal niya sa akin.
Tama po ba ang pananaw niyang ito? May tao ba talagang hindi magawang magsabi na mahal niya ang girlfriend niya?
Maraming salamat po at more power to you.
Gumagalang,
Marietta
Dear Marietta,
Ang pag-e-express ng endearment sa isang tao ay may iba’t ibang uniquenes. Pero ang pinaka-common dito ay ang verbal way of saying “ I love you.” At the same time, may iba’t ibang paraan din kung saan mas nararamdaman ng isang tao ang love expression ng kanyang partner.
Sa kaso ninyong mag-boyfriend, hinahanap mo ang verbal habang ang boyfriend mo naman ay more on action as his means of expression kung gaano ka niya kamahal. Either or, walang mali sa inyo.
Hindi lang nagtutugma ang preferences ninyo kung paano mas ipapakita ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa. Ang maganda d’yan ay pag-usapan ninyo para pareho kayong makapag-adjust. Ganon naman sa relasyon, dapat pareho ninyong dinadala ang inyong pagsasama para mas magkaintindihan at mas mapangalagaan ang feelings ng bawat isa.
There are lot of things to learn in loving someone, kaya hinay-hinay lang para ma-enjoy n’yo ang bawat part nito.
Hope things will get better between you and your boyfriend. Salamat sa pagsulat mo.
DR. LOVE
- Latest