^

Dr. Love

Tatay-tatayan lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bagaman magkasama kami sa iisang bubong ng dating kaibigan pero ngayon ay asawa ko na, balisa ako dahil anumang araw ay maaaring magkahiwalay na kami at tuluyan nang mailayo sa akin ang sanggol na inari at napamahal na sa akin.

Tinalikuran si Lora ng lalaking nakabuntis sa kanya, dahilan para umuwi siya at dito na nagsimula ang malaking problema niya…kung paano bubuhayin ang sarili at ang sanggol sa kanyang sinapupunan gayon may bantang hindi na siya makapagturo kapag isinilang na walang ama ang kanyang ipinagbubuntis.

Mahal ko po ang kaibigan ko at sa kagustuhan na maisalba siya at ang kanyang propesyon ay inako ko ang ipinagbubuntis niya. Pinakasalan ko siya. Pero nasaktan ako nang hindi niya isinunod sa pangalan ko ang apelyido ni Sonny.

Hindi po alam ng mga magulang ko at mga kapatid ang tunay na score sa pagitan namin ni Lora. Pero hindi ako nababahala dahil hindi naman mahirap na mahalin namin ang isa’t isa ng higit pa sa magkaibigan.

Pero nagkamali ako sa akalang ito, dahil isang araw ay nagsabi si Lora na maghiwalay na kami habang hindi pa lumalalim ang samahan namin ni Sonny. Patawarin ko raw siya dahil hindi niya ka­yang suklian ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanilang mag-ina. Gusto ni Lora na mag-migrate sa Canada.

Hindi pa sila nakakaalis ni Sonny, kaya magkakasama pa kami sa bahay hanggang ngayon. Tulungan po ninyo ako, Dr. Love ayaw kong mawalay sila sa akin.

Gumagalang,

Jerry

Dear Jerry,

Nang magdesisyon si Lora na hindi isunod sa iyo ang pangalan ng kanyang baby, sa palagay ko ay malinaw na sa kanya na pansamantala lang ang lahat nang nangyayari sa inyong dalawa.

Madalas, masakit malaman ang katotohanan pero mas mabuti ito kaysa una mong lokohin ang iyong sarili sa sitwasyong hindi naman talaga nakakapagpaligaya sa iyo. At ito ang naging stand ni Lora sa pagitan ninyo.

Gayunman, subukan mong kausapin siyang muli at sabihin ang damdamin mo tungkol sa kanilang pag-alis. Kung manatili ang pasiya ni Lora, hindi natin ‘yon madidiktahan. Gayun man hindi dapat tumigil ang mundo ng sino man dahil sa isang kabiguan. Kaya tuloy ang buhay

DR. LOVE

vuukle comment

BAGAMAN

DEAR JERRY

DR. LOVE

GAYUN

GAYUNMAN

LORA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with