^

Dr. Love

Ipinagkasundo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

How are you? Sana’y masaya ka at walang problema sa pagtanggap mo ng sulat kong ito. Ako? Malaki po ang problema ko.

Tawagin mo na lang akong Shirley, 21-anyos. Best friend ko po si Tony na kapareho ko rin ang edad at magkasabay ang birthday namin.

Matalik ding magkaibigan ang aming mga tatay. Magkaibigang matalik sila simula pa nung high school at nagkasundo na kung sila’y magkakaanak ng babae at lalaki, ipakakasal nila ang mga ito para sila’y lalong maging close.

Hindi namin alam pareho ni Tony ito. Nagulat na lang ako nang sabihin ng papa ko ang kasunduang ito at ipakakasal daw kami pagdating namin sa edad na 22.

Wala sanang problema. Guwapo naman si Tony at sabi niya, maganda ako. Pero pareho kaming walang romantic attachment sa isa’t isa. Ano ang dapat naming gawin?

Gumagalang,

Shirley

Dear Shirley,

Ang dapat lang ninyong gawin ay ipagtapat sa mga magulang ninyo na pareho kayong walang gusto sa isa’t isa ni Tony at “best friend” lang ang turingan ninyo.

Alam kong mauunawaan kayo pareho ng inyong mga magulang. Kung magpupumilit sila, nasa tamang edad na kayo para tumanggi.

Ang katungkulan ng magulang ay advisory lamang pero nasa anak ang pagpapasya para sa kanilang sarili.

Dr. LOVE

ALAM

ANO

DEAR SHIRLEY

DR. LOVE

GUMAGALANG

GUWAPO

MAGKAIBIGANG

MALAKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with