^

Dr. Love

Nakatatak sa puso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Please hide me under the pseudonym of Carla. Ako ay 50-anyos na ngayon at nananati­ling single dahil sa isang kabiguan sa pag-ibig.

Nagkakilala kami ni Romualdo nang ako’y 25 anyos. Kaka-break lang namin ng aking boyfriend noon na nagtanan kasama ang ibang babae.

Si Romualdo ay nakilala ko sa isang beach resort sa Olongapo. Nilapitan niya ako at nakipagkilala. Mula noon ay napadalas ang aming komunikasyon.

Nagkaibigan kami at naging malalim ang a­ming relasyon na nahantong sa aming pagsasama nang walang kasal.

Mahal na mahal ko siya at nagkaroon kami ng isang anak. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Dalawang taon kaming nagsama at  nang imungkahi ko sa kanya na kami’y magpakasal, doon ko napansin na nagsimula siyang tumabang sa akin.

Sinabi ko sa kanya na binabawi ko ang aking sinabi kung ito ang  naging dahilan ng pana­nabang niya sa akin. Pero hindi na siya nagbago sa kanyang cold treatment sa akin.

Hanggang nagising na lamang ako na wala na siya sa tabi ko pati ang a­ming nag-iisang anak. Nakatatak siya sa puso ko at mahal ko siya hanggang ngayon kaya ako’y umabot sa edad na ito na wala nang kasama sa buhay.

May nanliligaw sa akin ngayon na mas bata sa edad ko ng limang taon. Isa siyang biyudo pero pinag-iisipan ko ito ng mabuti. Dapat ba akong makipagrelasyon pa?

Gumagalang,

Carla

Dear Carla,

Ang buhay ay hindi tumitigil dahil lang sa isang kabiguan. Madapa ka man ng sampung beses, sampung beses kailangan kang buma­ngon at magpatuloy.

Suriin mo ang nadarama mo sa iyong manliligaw. Kung inaakala mong mahal mo siya at mahal ka niya, bakit pipigilan mo ang iyong puso sa pagtibok?

Lahat tayo ay may karapatang maging maligaya sa ating buhay. Makakatulong na alala­hanin ang aral ng mga nakaraan pero huwag mong itali ang kinabukasan mo rito.

Dr. LOVE

CARLA

DALAWANG

DAPAT

DEAR CARLA

DR. LOVE

GUMAGALANG

PERO

SI ROMUALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with