^

Dr. Love

Nasasakal sa ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal na po akong nangungulila kay daddy. Hindi ko po maiwasang hindi mainggit sa classmate ko na daddy niya ang nagtuturo sa kanyang mag-basketball. Daddy niya rin ang may pinakamalakas na-cheer kapag nag­lalaro siya ng basketball.

Busy kasi ang daddy sa kanyang trabaho, lingguhan siyang umuwi para makatipid sa gasolina at toll fee. Dahil kailangan niyang mag-ipon para sa pangarap na bahay at lupa ni mommy.

Dr. Love, alam n’yo po kasi nagka-crush na ako. Gusto ko po sanang ikwento sa daddy ko ang mumunting bagay tungkol dun, para mapayuhan niya ako. Wala ring nagtuturo sa mga math problems na kailangan kong mai-solve sa school kaya nagbabagsakan ang mga grades ko.

Masyadong malaki ang expectation sa akin ni mommy, na sumikat ako sa klase gayung hirap na hirap na nga ako sa pag-aaral. Lagi niya akong pinagagalitan kapag bumababa ang grades ko.

Nagrerebelde na po ang kalooban ko, Dr. Love. Masyadong tight ang guarding ni mommy sa akin. Bakit anya hindi ako tumulad sa pamangkin niya na tahimik at walang ginawa kundi ang mag-aral.

Dr. Love, paano ko kaya masasabi sa mommy ko na masyado na akong nasasakal sa pagmamahal niya? Hindi ko po naman ka­ilangan ang mga materyal na bagay na lagi niyang ibi­nibigay sa akin. Ang kailangan ko po ay ang atensiyon nang nami-miss ko ng daddy.

Salamat po Dr. Love at sana po mabasa ito ng nanay ko.

Gumagalang,

Dexter

Dear Dexter,

Spend time with your mom. Ito ang pina­kamagandang paraan para makapag-heart to heart talk kayo ng mommy mo. Saka mo isa-isang i-open sa kanya ang mga nagiging problema mo sa iyong pag-aaral, lalo sa matinding pagka-miss mo sa iyong daddy.

Pagkakataon rin ito para makapag-sorry ka sa kanya sa lahat ng mga hindi magagandang bagay na nagawa mo. For sure, with all since­rity ay mare-realize ng mommy mo ang mga naging pagkukulang at matutulungan ka niyang mai-adjust lahat. Sa madalas na pagkakataon, kailangan lang ang communication para maintindihan ang bawat isa.

DR. LOVE

BAKIT

DADDY

DAHIL

DEAR DEXTER

DR. LOVE

GUMAGALANG

MASYADONG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with