^

Dr. Love

Kapwa insecure

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung mayroon po akong hate na hate noon ay ang feeling ng insecurity. Ito po ay dahil sa labis ang tiwala ko sa sarili. At ang katangiang ito ang siyang naging daan para mapaibig ko si Jordan at maagaw siya sa kanyang long time sweetheart at live-in partner na si Michelle.

Nagkaroon ako ng pagkakataong makilala siya ng husto nang kapwa kami ma-assign sa isang project sa Davao. Dito, tiniyak ko po sa sarili ko na bago matapos ang isang buwan ay nasa akin na ang simpatiya niya.

Nagawa kong mag-open up sa akin si Jordan tungkol sa hindi pa nila pagpapakasal at pagkakaroon ng anak ni Michelle. Sinabi niyang ang partner niya ang tumatanggi sa kasal at ayaw pang magkaanak.

Iyon lang at nang bumalik na kami sa Maynila, akin na ang puso at tiwala ni Jordan. Pinaka­salan niya ako nang malamang nagbu­nga ang aming kapusukan at nalalapit na siyang maging daddy.

Kilala si Michelle sa sosyedad dahil anak ito ng isang mayamang negosyante. Hindi kami nagulat ni Jordan nang mabasa sa pahayagan ang pag-alis sa bansa ni Michelle para magpakadalubhasa sa larangan ng medisina na kanyang kinabibilangan.

Ang akala ko Dr. Love, natapos na rito ang aking pangamba tungkol kay Michelle pero nagkamali ako dahil matapos ang tatlong taon, nagbalik siya sa bansa at nakatakdang pakasal sa isang English man.

Kitang-kita ko ang selos sa mukha ni Jordan, dito na nagsimula ang madalas naming pagta­talo. Nagseselos po ako at gaya ko ay insecure din si Jordan dahil hindi niya matanggap na ipinagpalit na siya ni Michelle.

Ano po ang gagawin ko, Dr. Love?

Gumagalang,

Zena

Dear Zena,

Sa ngayon ay hayaan n’yo munang humupa ang galit, kapag mahinahon na ang sitwasyon ay saka kayo mag-usap. Upuan ninyo ang problema dahil walang ibang makakalutas n’yan kundi kayo lang. Huwag ninyong kalimutan na sa pagbabangayan ninyo, walang ibang kawawa kundi ang inyong anak.

DR. LOVE

vuukle comment

ANO

DAVAO

DEAR ZENA

DITO

DR. LOVE

GUMAGALANG

HUWAG

MICHELLE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with