^

Dr. Love

Obligasyon ang half sister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

My warmest greetings to you and every member of the PSN staff.

Lumiham po ako sa inyo upang isangguni ang problema ko. Tungkol po ito sa obligasyong inatang ng aking pamilya para sa pagpapagamot sa aking kapatid sa ama.

Walang sapat na kakayahan ang mga magulang ko para tustusan ang gamutan ni ate sa mental hospital. Napahamak ang kapatid ko dahil sa bawal na droga at ma­rahil dulot ng dalawang beses niyang pagkasawi sa pag-ibig kung kaya nagkaroon siya ng depression.

May pamilya na po ako ngayon at lu­ma­laki ang pangangailangan kaya nahihirapan na po ako sa obligasyong ibinigay sa akin ng aking pamilya. Isa pa, kung noong una ang asawa ako pa ang pumipirma ng tseke para sa gamutan ni ate, ngayon ay pinagmumulan ng pagtatalo namin ang tungkol dito dahil nagkakaproblema na talaga kami financially.

Nakokonsensiya naman akong paba­yaan na lang ang half sister ko. Ano po ang dapat kong gawin? Dapat bang obligahin ko ang aking asawa na maki-share sa obligasyon ko sa aking pamilya? Hanggang kailan ko po dapat pasanin ang obligasyong ito?

Gumagalang,

Ma. Danna Christina

Dear Ma. Danna Christina,

Hindi mo naman kailangan pasanin ang isang obligasyong pampamilya kung wala ka nang kakayahan na punan ito. Bakit hindi mo i-open ang tungkol diyan sa iyong pamilya. Maaaring may magandang rekomendasyon sila na makakatulong hindi lang para sa ate mo kundi maging sa iyo.

Huwag mo hayaang pagmulan ng sigalot sa pagitan ninyong mag-asawa ang problema sa obligasyon ng iyong pamilya. Para sa akin, hindi rin magiging makatwiran kung oobligahin mo ang asawa mo na magbigay gayong para sa sarili mong pamilya ay nagkakaproblema na kamo kayo.

Kung hanggang kailan mo papasanin? Ikaw lang ang makakapagdesisyon niyan.

 DR. LOVE

ANO

BAKIT

DANNA CHRISTINA

DAPAT

DEAR MA

DR. LOVE

GUMAGALANG

PAMILYA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with