^

Dr. Love

Malapit nang lumaya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Warm greetings. Isa po ako sa napakarami ninyong fans na tagasubaybay ng malaganap ninyong column.

Ako po si Richard Limpot, 33-years old at kasalukuyang isang inmate sa Camp Sampa­guita. Lumaki po ako sa pag-aaruga ng aking lolo at lola. Isang marine engineer ang lolo ko habang ang lola ko naman ay nasa registrar ng isang sikat na unibersidad sa lugar namin sa Visayas.

Pero napatid ang maganda na sanang takbo ng buhay ko nang masawi sa road accident sina lolo at lola; ang matagal na nilang sinasabing iiwanan sa akin ay hindi na nangyari dahil sa hindi inaasahang aksidente. Ang mga tiyuhin ko sa mag­kabilang panig ang nagparte-parte sa lahat ng mga ari-ariang naiwan.

Isang kapatid ni lola ang kumuha sa akin pero hindi ko po natagalan ang hindi magandang trato nila sa akin. Nakituloy po ako sa isang ninang. Natuwa siya sa kasipagan ko at ginawa akong boy. Akala ko po ay nakatagpo na ako ng mapipir­mihan pero nang mamatay si ninang, hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta.

Sa mga sandali ng kawalan na ito, nakilala ko ang grupo ng mga kabataan na nagturo ng lahat ng gawaing ilegal sa akin hanggang mahuli kami at bumagsak sa kulungan. Labing isang taon na po ang napagsisilbihan ko sa hatol na labing dalawang taon sa akin. Dalangin ko po na mapaaga pa ang paglaya ko sa pamamagitan ng parole.

Marami po akong natutunan sa loob, pangunahin na ang magdasal. Nag-aaral rin po ako sa loob at malapit nang makatapos ng kolehiyo. Alam ko po na hindi magiging madali ang panimula ko sa labas. Gusto ko po sana na tulungan ninyo akong makahanap ng inspirasyon para sa aking tulu­yang pagbabagong-buhay.

Gumagalang,

Richard Limpot

Student Dorm4-D

YRC,MSC Camp Sampaguita 

Muntinlupa City   1776

Dear Richard,

Salamat sa pagtitiwala mo sa ating column. Nakakatuwang malaman sa pagkalugmok mo ay naroon ang kagustuhan mong bumangon at muling bigyang-direksiyon ang iyong buhay. Ipagpatuloy mo lang ‘yan nang may pagtitiwala sa ating Panginoon at natitiyak ko na maging ang hangad mong inspirasyon sa buhay ay ipag­kakaloob Niya sa iyo.

DR. LOVE

AKO

CAMP SAMPA

CAMP SAMPAGUITA

DEAR RICHARD

DR. LOVE

ISANG

MUNTINLUPA CITY

RICHARD LIMPOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with