^

Dr. Love

Puwede na ba?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana po ay matulungan ninyo ako sa problema ko. Itago mo na lang ako sa alyas na Zen.

May kasintahan ako ngayon pero siya ay hiwalay sa asawa. Limang taon na kaming nagsasama at inaayos niya ang annulment sa kanyang misis na nasa Amerika.

Kamakailan ay bumalik sa Pilipinas ang misis niya at gumawa ng kasulatan na pinapayagang mag-asawa na ng iba ang kanyang mister.

Puwede na po ba kaming magpakasal kahit hindi pa annulled dahil may kasulatan naman ang asawa niya?

Zen

 

Dear Zen,

Naniniwala akong legally, hindi kayo puwedeng magpakasal hangga’t may bisa pa ang unang kasal ng kinakasama mo.

Hindi permiso ang isang pinirmahang kasulatan para payagan kayo ng batas na magpakasal.

Tutal ay nagsasama na kayo, ang pina­kamatalinong hakbang na magagawa ay apurahin ang annulment.

Kung naririyan ang misis ng kinakasama mo, mas mapapabilis ang proseso lalo pa’t ito’y para sa advantage nilang dalawa. Pareho silang makakalaya na.

Dr. Love

AMERIKA

DEAR ZEN

DR. LOVE

ITAGO

KAMAKAILAN

LIMANG

NANINIWALA

PAREHO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with