^

Dr. Love

Kaedad ni nanay ang pinakasalan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Itago mo na lang ako sa pangalang Beverly, nakababatang kapatid ng aking Kuya Armand (hindi rin niya tunay na pa­ngalan.)

Lumiham po ako sa inyo para humingi ng payo kung paano ko maimumulat ang aking matandang kapatid sa sitwasyong sinuong niya. Tampulan po ng negatibong pagpuna ang pagpapakasal niya sa isang balo na kasing edad ng aming nanay.

Sa tagal na naming pag-udyok kay kuya na mag-asawa ay hirap kaming matanggap na bu­magsak siya sa babae na parang nanay na niya. Palibasa’y hindi halata ang edad ni Aling Trining dahil nanatili siyang banidosa at maa­laga sa sarili. Maalwa po ang buhay niya at pensiyonada sa US.

Buhay pa ang asawa ni Aling Trining nang kunin nilang driver ang kuya ko. Masaya si kuya sa magandang trato nila sa kanya at sa magandang pasweldo. Pero na-stroke ang matandang lalaki na siya nitong ikinasawi. Awang-awa si kuya kay Aling Trining na binalikat ang lahat hanggang sa wala nang natira sa kanilang kabuhayan.

Ang kuya ko ang naging katuwang niya sa pagbangon ng negosyong babuyan at kalaunan ay naging kasosyo na. Sa aming palagay, dito sila nagkalapit ng husto ni Aling Trining.

Maraming umiintriga sa kanilang relasyon hanggang sa pagpapakasal ni kuya kay Aling Trining. Ang hindi po maganda ay ang pagde-demand ng kasulatan ng mga kamag-anak ni Aling Trining bilang katibayan raw na sakaling may mangyari ay may parte sila sa kabuhayan ng kanilang kaanak.

Balak nang bumalik ng US ni Aling Trining at sasama raw si kuya dahil mag-asawa na sila. Gusto po namin maiiwas ang kapatid ko sa gulo, ano po ang dapat naming gawin?

Gumagalang,

Beverly

 

Dear Beverly,

Naniniwala ako na hindi sa agwat ng edad ang pamantayan para maging maligaya sa pagmamahal. Nasa tamang edad na naman ang kuya mo para matiyak niya sa sarili kung ano ang gusto niya para sa kanyang buhay.

Tungkol sa kasulatan, wala kang dapat ipa­ngamba tungkol dito dahil hindi naman kamag-anak ang dapat magdesisyon para sa kabuhayan ng kanilang kaanak. Sa palagay ko wala ‘yung kabuluhan.

Dr. Love  

vuukle comment

ALING

ALING TRINING

BEVERLY

DEAR BEVERLY

DR. LOVE

KUYA

KUYA ARMAND

NIYA

TRINING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with