^

Dr. Love

Addict ang boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati sa iyo Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Remy, 24-anyos.

Ang problema ko ay tungkol sa kasintahan ko na kasamahan ko rin sa trabaho.

Kamakailan po ay naalis siya sa trabaho dahil sa shabu. May nakapagsumbong daw tungkol sa kanya na gumagamit siya ng bawal na gamot.

Dahil mahal ko siya, naniwala ako sa si­nabi niyang siya’y sinisiraan lamang. Galit na galit ako sa mga responsable sa pagkakalat ng balitang iyon.

Nagpatuloy ang aming relasyon. Pero habang lumilipas ang mga araw, napansin ko ang pagiging irritable niya. Madalas kaming magtalo sa mga simpleng bagay at lagi siyang napipikon.

Kahit nasasaktan ako ay pinagtiisan ko ito dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Ngunit nalantad katagalan ang totoo. Kasama siya sa nahuli sa isang shabu session at pansamantalang nakulong pero nakalaya rin.

Totoo pala ang dahilan ng pagkakaalis niya sa trabaho. Nagbebenta siya nito hanggang work place. Nakikipag-break ako sa kanya pero nagmamakaawa siya. Hindi raw siya ma­bubuhay ng wala ako, ano ang gagawin ko?

Remy

Dear Remy,

Kung lulong siya sa droga, bilang kasinta­han niya ay udyukan mo siyang magpa-rehab para mawala sa sistema ng kanyang katawan ang droga at hindi na niya hanap-hanapin.

Habang sakmal siya ng masamang bisyong iyan, hindi magkakaroon ng kaayusan ang relas­yon ninyo.

Iyan ang kondisyong ibigay mo sa kanya dahil kung talagang mahal mo siya, dapat concern ka sa kanyang pagbabago.

Dr. Love

 

DAHIL

DEAR REMY

DR. LOVE

GALIT

HABANG

IYAN

REMY

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with